Nabalitaan ko kanina sa isang kasama sa trabaho na tinanggap na niya ang posisyon na inalok sa kanya ng school. Nasiyahan ako para sa kanya. Totoo yan ha -- dahil alam ko ang pinagdaanan niya habang nagdedesisyon siya kung bibitawan niya ang pagtuturo sa isang school at papasok dito bilang direktor ng isang opisina. Dahil sa tuwa ko para sa kanya, agad kong binalita iyon sa iba pang kasamahan ko sa departamento namin. Nagulat lang ako sa reaksyon nila. Ang sabi ng isa, nagulat sya dahil ang kinuhang direktor ay "bago" sa school na ito at wala pang Master's degree. Naniniwala ang mga kasamahan ko na sa akin dapat mapunta ang posisyon na iyon. Nakakagulat. Alam ko na noon pa na nirekomenda ako ng bise-presidente at sinabi na niya iyon sa dekana namin. Pero aaminin ko na noong nalaman ko iyon - na iniisip nilang ako ang ipalit sa paalis na direktor -- ay hindi ako natuwa. Ayokong humawak ng posisyon dito. Ayoko na. Kaya nga natuwa ako nang malaman kong ang isang ...