I'm glad that the issue on the attitude of public servants in this country was opened after it was reported that the presidential daughter, Luli Arroyo, " questioned an immigration officer who had allowed a foreigner to jump the line of passengers waiting to be checked in at the Ninoy Aquino International Airport " (http://news.inq7.net/archive_article/index.php?ver=1&index=1&story_id=30102).
On the day that was reported on TV, the media also informed the public that if they have complaints regarding the attitude of the staff/employees at government offices, they could text at ***********. The following day, lots of text messages reached the Civil Service Commission office. As expected, maraming nagreklamo about the attitude of government employees.
Totoo naman na napakasungit at napakabagal kumilos ng mga tao sa ilang opisina ng gobyerno. Minsan nga, kahit ang daming nakapila, nagagawa pang magdaldalan ng mga empleyado habang nakatayo ang mga tao. Kahit sa SSS office, ganyan din. Nagtatanong lang kami minsan ng asawa ko, sinusungitan pa kami ng empleyadong matanda. Eh, kung alam namin ang sagot sa tanong namin, bakit pa namin siya tatanungin? Mabuti na lang, natural na mapasensiya ang mga Pilipino dahil kung hindi, gugulo lalo ang proseso...
Siguro, magandang pag-aralan kung bakit ganyan ang ugali ng mga empleyado sa gobyerno. At kapag may sagot na iyan, kailangan gumawa ng paraan ang mga head ng mga offices. Naalala ko tuloy ang tax na binabayad ko. Grabe. We get taxed for everything. Tax sa suweldo (mas malaki pa ang tax ko kaysa sa renta sa bahay), tax sa grocery, tax sa Jollibee (imagine, kung gusto kong bilihan ng Jolly kiddie meal ang anak ko, magbabayad pa ako ng tax), tax sa Mercury Drug, tax sa electric consumption, at kung anu-ano pa. Mas mahilig kang bumili at kumain sa labas, mas masaya ang kaban ng gobyerno. Ang mahirap pa, kapag na-promote ang empleyado at tumaas ang suweldo, tataas din ang tax. Hindi yata biro ang 30% na binabawas sa bawat sentimong pinaghihirapan ko. Tapos, yung OB-gyne ko, nagbebenta ng gamot at vitamins plus the consultation fee every visit ko, eh, walang resibo. Suwerte yata siya...
Ano sa palagay n'yo?
Comments