Marami-rami na rin akong naisulat. May mga isinulat ako para sa mga propesor ko sa UP. Siyempre, kailangan kong magsumite ng maraming papel para matapos and kursong pinili ko -- AB Journalism. Nagsulat na rin ako sa komiks noong ako ay nasa hayskul pa. May bayad iyon at natuwa ako dahil sa edad kong iyon ay nangongolekta na ako ng tseke mula sa isang publikasyon. Nakapagsulat na rin ako ng isang nobela na ibinenta sa National Bookstore noong ako ay patapos na ng kolehiyo. Matapos ang ilang buwan, nasingil ko ang apat na libong pisong kabayaran sa pagtatahi ko ng romantikong nobela na hinugot ko sa karanasan ko at karanasan ng mga nasa paligid ko. Sa diyaryo, nakapagsulat na rin ako noong ako ay intern pa sa Phil. Daily Inquirer Northern Luzon Bureau. Marami-rami na rin akong naisulat na research articles mula noong nag-aaral pa ako hanggang sa magsimula akong magturo sa kolehiyo. Ang hindi ko maintindihan, hindi ko pa pala naisulat ang pinakamahirap isulat sa lahat. Ano iyon? Ang KAHIT...