Skip to main content

Balitang nakakalungkot

Hindi ko alam kung matatawa ako o manlulumo sa narinig kong balita. Siya na ang bagong **** *****. HIndi na ako nabigla sa balita dahil noon pang Enero ko narinig ang posibilidad na ito . At alam ko rin na inaasahan na rin iyon ng mga propesyunal sa ********. Alam ng mga nakapaligid na tauhan ng pangulo ng bansang ito na malakas sya dito.

Nakakapanlumo.

Bakit kamo?

Maraming nangyayaring hindi patas sa unibersidad na sya ang may-ari.

Ang binabayaran ng mga estudyante, pataas nang pataas. Bawat kilos sa eskwelahan nya, may bayad. Bayad ng membership fee sa organisasyon, bayad ng tubig para sa mga estudyante sa elementarya. Pati mga guro hindi man lang mabigyan ng maiinom na tubig. Mismong mga guro nagbabayad ng tubig buwan-buwan para sila may inumin. At tanungin mo kung sino ang nagtitinda ng tubig -- ang koop na pag-aari din ng taong ito. Dito pa lang sa tubig na binabayaran buwan-buwan, makikita mo na kung anong klaseng kawalan ng concern meron ang taong ito. Ang kuya ko kasi, nagtatrabaho noon sa Makati -- ang kompanya ang nagpro-provide ng tubig, ng tissue, may ref pa nga sa opisina, may condominium unit rin na libreng tinitirhan ng ilang mga empleyado. Dito sa eskwelahang ito, pati tubig binibili ng guro at mag-aaral sa elementarya mula sa may-ari. Grabe. Nung una, hindi ako pumayag. HIndi talaga ako nagbabayad, sa halip nagdadala ako ng sariling tubig. Katwiran ko, basic need yan, paano magtatrabaho kung walang tubig?

Habang tumatagal, nararamdaman ko na sinasaid ng eskwelahang ito ang lahat ng pasensya ko. Hindi ako mahilig magreklamo pero hindi ko kayang magkunwaring sunud-sunuran lang.

Habang tumatagal, patong-patong na ang binabayaran ng mga estudyante at mga guro.

Sa mga guro: dalawang tiket na halagang limandaan para sa ginawa nilang raffle. Sapilitan ang paniningil. Basta ibenta daw nila ang tiket. Kung hindi mabenta, bawas sa sweldo. Ha ha. Nakakatawa talaga. Hindi man lang nasabihan ang mga guro na bibigyan sila ng tiket na kailangan bayaran. Basta na lang sila nakakita ng memo na nagsasabi na sabihin nila ang kolehiyo nila kung paano ang pagbabayad nila sa tiket na dapat ay ibebenta: cash ba o bawas sa sweldo? Ano ba to? Narinig kong ang mga doon nagtapos at doon din nagtatrabaho ay binigyan ng apat na tiket. Dalawang libo ang halaga. Hindi pwedeng humindi dahil ibabawas rin naman sa sweldo. Sobra talaga.

Hindi naman iyon ang unang pangyayari na naningil sila nang walang pakundangan. Naaalala ko noong bago pa lang ako, pinag=aatend kami ng isang conference na international. At ibabawas daw sa sweldo namin ang dalawang libong bayad sa registration. Teka muna, agad akong nagpunta sa dekana at nagtanong kung bakit kailangan kong sumama doon at magbayad ng dalawang libo. Ni hindi man lang nila kami tinanong kung gusto ba namin pumunta at okey lang bang bawasan ang sweldo namin ng dalawang libo. Ang dekanang matalino sana ay walang nagawa. Required daw lahat ng guro. Okey. Nahiya lang yata sya kaya sinabi nya siya na ang magbabayad ng limandaan at ang limandaan ay babayaran daw ng noo'y bise presidente sa Acad. Affairs. Sa madaling sabi, nagbayad pa rin ako ng isanlibo. Isipin nyo, nung panahong iyon, halos walong libo lang ang sweldo ko. At ang dalawang libo na ipinapabayad nila sa conference ay 1/4 ng isang buwang pinasusuweldo nila. Tapos ngayon, sya pa ang pinakamataas sa lahat ng mga kolehiyo at unibersidad. Hindi ko maisip na ganito kabulok ang Pilipinas. Binibigyan ng posisyon ang katulad nya.

Mahaba pa ang listahan ko. Minsan naman, may nagtanghal sa entablado. Teatro. Ang mga guro ay sapilitan (dahil nga hindi sila nagkonsulta) na pinabili ng tiket. Bawas uli sa sweldo. Nangyari ito ilang araw lang bago ang raffle ticket na binawas din sa sweldo. Kung susumahin, sa ilang araw, ilang libo ang binabawas sa sweldo ng mga kaguruan.

Kung tutuusin, hindi lang ako ang nakakaramdam na sobra na talaga ang mga nangyayari. Maraming nakakakita at nakakari nig pero ang nakapagtataka, walang bumubuka ang bibig. Walang gustong magsalita.

Kaya lang, huli na. Ngayon pa, andun na sya sa mataas na posisyon. Sino pa ang makikinig sa sasabihin nila?

Nakakalungkot na nakakatawa. Kapag kaharap ang mga magulang, sinasabi nya na tumataas ang bayarin sa eskwela dahil ini-improve ang pasweldo sa kaguruan at inaayos ang facilities. Sa ikalawa, tama siguro pero sa una, kahit kumidlat pa ngayon, alam nyang hindi yun totoo. May isang pagkakataon na ang itinaas ng sweldo ng mga guro ay tatlong daan. Nagreklamo ang iba, kasama ako. Matapos iyon, tinaas ng limandaan. Ano ba yan? Parang limos lang ang dagdag sweldo kung titingnan mo ang halaga ng binabayad ng mga mag-aaral. Kung magbibilang ako, pumapatak na mas mababa pa sa isandaang piso ang bayad ng mga estudyante sa isang guro sa isang buwan.

Nakakapanlumo ang balita.

Ano pa kaya ang susunod na sisingilin ng eskwelahang ito sa kaguruan?


Comments

Popular posts from this blog

Management Lessons from GUNG HO

'I must recognize that man achieves the highest degree of efficiency when he plays. If someone says he works out of loyalty to the company, he is a damned liar.' ----Soichiro Honda Founder-millionaire Honda Motor Co., Ltd. When a company fails, who should take the blame? When the workers complain, who should do some reflections, the management or the workers themselves? Hunt Stevenson, in the movie GUNG HO (means to WORK TOGETHER) , needed to do some reflections before it was too late. His failure to do some actions would result in closure of Assan Motors, thereby leaving hundreds of American laborers unemployed. According to Robert Heller, the author of the article EFFECTIVE MANAGEMENT: TAKING RESPONSIBILITY, "How the boss behaves has a profound effect on how other managers perform - and thus on the performance of the entire outfit. That's a self-evident truth, acknowledged by most people. But few bosses acknowledge the corollary: that inferior performance is partl...

My SHAIYA battle for a week

A duo with -kamikaze- MMORPG. Online games. Virtual world. SHAIYA. The past holy week signaled the beginning and end of my battle in the virtual world. I started playing an MMORPG for a week -- trying to level up my character named SexySteffi in an online game known to players as SHAIYA . It wasn't as sophisticated as Wow but most things are basically the same. The best parts would be killing monsters to level up and killing darkies to get higher ranks. Another good thing about online games like SHAIYA is the opportunity to talk to people or gamers from different parts of the world. I've met gamers from Columbia, Chile, Texas, Australia, Canada, etc. Gamers really come from different walks of life. Some are young, some old, some married, some single, some just fooling around, some serious about leveling up. As a priest, SexySteffi is in demand in the game :-) Some players would always invite her to a party so that they could conquer the monsters without getting killed a...

Levels Earned, Lessons Learned in SHAIYA

The holy week was not really holy for me. This was time of the year when I played hard. Really played hard, as in trying to make the toon level every time I logged in . And to help my toon level up, even my husband and my daughter would play with her. This year, my toon is DanieGanda. Danie, for the record, is my daughter's nick name. But I thought of adding the word "Ganda," which is a tagalog term for Beauty. DanieGanda is a human priest in the normal mode. As the rule in Shaiya, a player won't be able to create a character in the hard mode [here, toons are stronger] without first reaching level 40 in the normal mode, which is a level lower than HM. When DanieGanda started, she was power leveled by king-kruller, whom DanieGanda met while my daughter was playing the toon. King_kruller was als o Danie's first friend in Shaiya. At the moment, he's already level 58, UM. The experience was good for Danie was able to meet players from different walks o...