Skip to main content

SONA, Si Loren at Kahirapan sa Pinas

It was already 3:30 p.m. when I had my lunch. I did so after going to BDO to get my hard-earned dollars (konti lang naman) from the online company I'm writing for. I was busy the whole morning and noon so I didn't have time to eat my lunch.

While I was having lunch, I was reading two tabloids which I found on the table. The banner stories, as expected, are about the SONA by president GMA. One tabloid reported that the real state of the nation is poverty and hunger. As I checked on the inside pages for columns and editorials, the topics are the same: poverty and hunger among Filipinos.

Kahit na hindi ako kasama sa mga nagugutom (I'm very thankful), nararamdaman ko rin at nakikita na talagang ang hirap nang maka-survive dito sa Pilipinas. Dumarami ang nagugutom. Hindi lang iyon sa diyaryo totoo. Totoo rin iyon sa nakikita ko sa paligid. Hindi ako nakatira sa Maynila kung saan pakalat-kalat ang iba't ibang mukha ng kahirapan. Subalit dito man sa kinalalagyan ko, nakikita ko ang mga taong nalilipasan ng gutom at nagtitiis sa wala.

Ang sabi ng isang report sa tabloid, ang Pilipinas daw ay naging "noodles republic" na dahil ang mga mahihirap ay umaasa na lamang sa noodles na mailalagay sa tiyan. Ang mahirap pa dito, noodles na nga lang ang kayang bilhin, isang beses pa sa isang araw kung kumain ang mga mahihirap. Ang tawag daw dun ay "altanghap" --almusal,tanghalian at hapunan na pinag-isa. Nakakalungkot talaga. Kung may magagawa nga lang ba ang isang ordinaryong tao na tulad ko para makatulong.

Naalala ko tuloy, dati, ang biruan ng mga Pinoy ay ang pagkaing mahirap ay `galunggong.' Ngayon, kahit galunggong ay hindi na kaya ng bulsa ng karaniwang manggagawa. Ang totoo, sa pamasahe pa lang, talo na ang minimum wage earner.

Sa isang report, nabasa ko ang tungkol sa isinusulong na batas ni Senator Loren Legarda. Ang batas na iyon ay ang pagpapataw ng karampatang parusa sa sinumang magulang na hindi pinapag-aral ang mga anak. Kung tama ang natatandaan ko,ang nakalaang parusa sa sinumang mahuhuli na hindi nagpapaaral sa anak sa elementarya ay hanggang anim na buwang pagkakabilanggo at multa na aabot sa isandaang libong piso.

Napailing na lang ako sa isinusulong na batas na ito ni Loren. Bakit nya paparusahan ang mga magulang na hindi pinapapasok sa eskwelahan ang anak? Dapat alam nya kung bakit hindi pumapasok sa eskwela ang mga bata.

Sino bang magulang ang hindi matutuwa kung ang anak ay marangal na nag-aaral? Ano naman ang ibabayad na multa ng magulang na mahuhuli kung ang mismong dahilan ng di nila pagpapaaral sa anak ay kawalan ng pera? Paano mag-aaral ang batang mula sa mahirap na pamilya kung ni wala nga silang mailagay sa sikmura nila? Noon ngang nagpunta ako sa mga pampublikong paaralan para sa aking thesis, naalala ko, tinanong ko ang isang guro kung ano ang mga challenges sa pagtuturo sa pampublikong paaralan. Ang sabi ng guro, ang mahirap daw ay kapag nakikita nyang pumapasok ang mga bata na galing sa palengke upang mag-kargador tapos ay papasok sa eskwela nang ni wala pang laman ang tiyan. Hindi raw nya mapilit mag-isip ang bata kapag nagugutom.

Alam ba ni Loren Legarda ang sitwasyon na ito? Tama bang parusahan ang magulang kung wala talaga silang kakayahan na paaralin sa disenteng paaralan ang kanilang anak?

Ang edukasyon ay karapatan ng bawat bata. Tama yan. Ang problema, hindi pwedeng makamit ang karapatang ito kung di pa nakukuha ang basic needs tulad ng pagkain, damit at tirahan. Paano mag-aaral ang bata kung wala silang pagkain na sapat, damit na proteksyon sa init at lamig, at disenteng tirahan? Nalimutan na ba ni Loren ang mensahe ng teorya ni Maslow na tinatawag na Hierarchy of needs? You can't go any spot higher without completing the most basic needs. Simple lang naman.

Nitong mga huling araw, wala nang laman ang mga diyaryo kundi kahirapan, kagutuman at kawalan ng pag-asa sa Pilipinas. At dahil nga puro ganito ang tema ng dalawang diyaryo ngayon, parang hindi ko na maisubo ang kinakain ko dahil naiisip ko na maraming nagugutom. Sa kabilang banda, pinilit kong ubusin ang binili kong pagkain dahil alam kong sa panahon ngayon, bawat butil ng bigas ay mahalaga.

Pagkatapos kong kumain, medyo nabigla ako nang kunin ko ang bill : P87.00. Ano bang binili ko? Kanin, ulam (manok) at kape. Mahal na nga ang bilihin ngayon. Isa lang akong kumain pero ang nagastos ko ay 1/4 ng kita ng ordinaryong manggagawa.

Tsk.

Kawawang Pilipinas.

Buti na lang nakaalis na ng Pilipinas ang bunso kong kapatid. Wala na syang balak bumalik pa dito. Halata naman kung bakit.









Comments

Popular posts from this blog

Management Lessons from GUNG HO

'I must recognize that man achieves the highest degree of efficiency when he plays. If someone says he works out of loyalty to the company, he is a damned liar.' ----Soichiro Honda Founder-millionaire Honda Motor Co., Ltd. When a company fails, who should take the blame? When the workers complain, who should do some reflections, the management or the workers themselves? Hunt Stevenson, in the movie GUNG HO (means to WORK TOGETHER) , needed to do some reflections before it was too late. His failure to do some actions would result in closure of Assan Motors, thereby leaving hundreds of American laborers unemployed. According to Robert Heller, the author of the article EFFECTIVE MANAGEMENT: TAKING RESPONSIBILITY, "How the boss behaves has a profound effect on how other managers perform - and thus on the performance of the entire outfit. That's a self-evident truth, acknowledged by most people. But few bosses acknowledge the corollary: that inferior performance is partl...

Levels Earned, Lessons Learned in SHAIYA

The holy week was not really holy for me. This was time of the year when I played hard. Really played hard, as in trying to make the toon level every time I logged in . And to help my toon level up, even my husband and my daughter would play with her. This year, my toon is DanieGanda. Danie, for the record, is my daughter's nick name. But I thought of adding the word "Ganda," which is a tagalog term for Beauty. DanieGanda is a human priest in the normal mode. As the rule in Shaiya, a player won't be able to create a character in the hard mode [here, toons are stronger] without first reaching level 40 in the normal mode, which is a level lower than HM. When DanieGanda started, she was power leveled by king-kruller, whom DanieGanda met while my daughter was playing the toon. King_kruller was als o Danie's first friend in Shaiya. At the moment, he's already level 58, UM. The experience was good for Danie was able to meet players from different walks o...

My SHAIYA battle for a week

A duo with -kamikaze- MMORPG. Online games. Virtual world. SHAIYA. The past holy week signaled the beginning and end of my battle in the virtual world. I started playing an MMORPG for a week -- trying to level up my character named SexySteffi in an online game known to players as SHAIYA . It wasn't as sophisticated as Wow but most things are basically the same. The best parts would be killing monsters to level up and killing darkies to get higher ranks. Another good thing about online games like SHAIYA is the opportunity to talk to people or gamers from different parts of the world. I've met gamers from Columbia, Chile, Texas, Australia, Canada, etc. Gamers really come from different walks of life. Some are young, some old, some married, some single, some just fooling around, some serious about leveling up. As a priest, SexySteffi is in demand in the game :-) Some players would always invite her to a party so that they could conquer the monsters without getting killed a...