Mahalaga ba ang EDUKASYON? Importante ba sa buhay ng tao ang masabing "may pinag-aralan?" Kung ang sagot dito ay "oo," bakit ang daming taong nakapag-aral nga subalit marami din namang problema? Kung "hindi" ang sagot dito, bakit ang daming naghihirap sa buhay dahil sa kawalan ng pinag-aralan?
Hindi nakapag-aral si Estela dahil sa hirap ng buhay, ni hindi siya marunong magbasa at magsulat. At tulad ng inaasahan, ang kawalan niya ng pinag-aralan ay naging ugat ng pagkakaroon niya ng maraming problema.
Nag-aaral ang mga anak niya pero hindi niya maturuan sa mga "homework" dahil nga wala siyang alam sa pagbasa. Ni hindi niya mabasa ang labels ng mga gamot, kaya nga may isang pagkakataon na nagkamali siya ng pinainom na gamot sa anak niya na may allergy sa ibang gamot. Iyon ang pinag-awayan nila nang husto ng asawa niya. Natural, importante ang kalusugan. Ang probleman naman kay Estela, hindi siya nagtatanong sa mga kasama niya na marunong bumasa.
Noong una, lagi silang nagkakabangga ng biyenan niya na isang guro sa pampublikong paaralan. Minamaliit siya ng biyenan niya na may pinag-aralan naman.
Sa mundong ginagalawan natin, sino nga ba ang mas may puwang at nararapat mabigyan ng pagkakataon?
Kung may pinag-aralan ang tao subalit pangit naman ang ugali, wala rin siyang mararating. Iyan ang palagay ko. Ibig sabihin nito, hindi ang dami ng kaalaman at dami ng kursong natapos ang pasaporte upang maging maayos at tahimik ang buhay. Gayundin naman, ang kawalan ng pinag-aralan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pag-asa sa buhay. Sa aking palagay, diskarte sa buhay ang importante kung wala ka mang pinag-aralan. Subalit, hindi ko sinasabing hindi kailangang mag-aral ng mga kabataan. Sa totoo lang, kung may kakayanan rin lang magpaaral ang mga magulang, nararapat na pagtapusin nila ng pag-aaral ang mga bata. Iba pa rin ang taong may pinag-aralan na , may mabuting pag-uugali pa.
Sa bandang huli ng istorya, sinabi ng biyenan ni Estela na siya yata ang mas mangmang sa kanilang dalawa dahil hindi niya naunawaan ang sitwasyon... Tama siya -- ang taong may pinag-aralan, marunong umintindi sa totoong hamon ng buhay.
Ito ang napulot ko sa pelikulang ABAKADA... INA.
May isa pa akong naisip isulat dahil sa panonood ko ng pelikulang ito. Abangan nyo na lang...
pix fr. www.epinoymovies.com
Comments