Marami akong natutunan sa UP noong ako'y nasa kolehiyo pa lamang. Katunayan, doon ko nahubog ang halos kalahati ng aking kasalukuyang pagkatao.
Natuto akong huwag umasa kaninuman, mag-aral nang hindi kailangang mandaya o mangopya, mangatwiran kung kinakailangan, huwag matakot kung may katwiran, magsalita kung may nararamdaman, magtanong kung may kakulangan, magsulat kung mayrong ayaw makinig sa katwiran, at manindigan sa mga pinaniniwalaan.
Ang akala ko, ang pagiging UPian ko ay sapat na para maging masaya at kuntento ako sa kung saan man ako magtatrabaho. Akala ko alam ko na lahat. Hindi pa pala. Ako pala ay mangmang.
Mangmang sa katotohanan na ang totoong mundo ay pinaiikot ng mga taong katulad ng mga tinutukoy ni Karl Marx sa kanyang paglalarawan ng mapanggamit na mundo.
Mangmang sa katotohanan na ang boses ng isa ay kailanman di kayang talunin ang pagkapipi ng karamihan.
Kung babalik ako sa UP, hahanapin ko si Sir Rolly at itatanong ko sa kanya kung bakit di niya ako tinuruang mag-edit ng aking nararamdaman upang madali kong maalis ang negatibong pakiramdam tulad ng galit. Tatanungin ko rin si Sir Fong kung bakit di niya ako naturuang mag-prodyus ng mapagkunwaring video na makakatulong upang itago ang aking nararamdaman. Kahit si Ma'am Janet na nagbigay sa akin ng uno sa Kasaysayan, tatanungin ko rin. Bakit ba di niya ako nasabihan na ang saysay ng isang tao ay nag-iiba, depende sa pananaw ng tumitingin?
Pakiramdam ko, wala akong saysay, wala akong kakayahang mag-edit ng nararamdaman at wala akong kaalaman sa pagkukunwari.
Walang kinalaman dito ang pagtatapos ko sa UP. Alam ko, marami pa akong dapat matutunan sa tunay na buhay na siyang totoong paaralan na maghahatid ng tunay ng kaalaman at karanasan.

Comments