Nabalitaan ko kanina sa isang kasama sa trabaho na tinanggap na niya ang posisyon na inalok sa kanya ng school. Nasiyahan ako para sa kanya. Totoo yan ha -- dahil alam ko ang pinagdaanan niya habang nagdedesisyon siya kung bibitawan niya ang pagtuturo sa isang school at papasok dito bilang direktor ng isang opisina. Dahil sa tuwa ko para sa kanya, agad kong binalita iyon sa iba pang kasamahan ko sa departamento namin. Nagulat lang ako sa reaksyon nila. Ang sabi ng isa, nagulat sya dahil ang kinuhang direktor ay "bago" sa school na ito at wala pang Master's degree. Naniniwala ang mga kasamahan ko na sa akin dapat mapunta ang posisyon na iyon. Nakakagulat. Alam ko na noon pa na nirekomenda ako ng bise-presidente at sinabi na niya iyon sa dekana namin. Pero aaminin ko na noong nalaman ko iyon - na iniisip nilang ako ang ipalit sa paalis na direktor -- ay hindi ako natuwa. Ayokong humawak ng posisyon dito. Ayoko na. Kaya nga natuwa ako nang malaman kong ang isang kasamahan na nahikayat kong mag-part time dito ang napili nilang maging bagong direktor.
Pero may isang bagay na naglalaro sa isip ko hanggang ngayon. May dalawang kasamahan ako sa school na nagsabi na ang hindi pagbigay sa akin ng posisyon ay dapat maging leksyon daw sa akin. Bakit? Iyon agad ang naisip kong tanong sa sinabi nila.
Nabanggit ko kasi sa kanila na nalaman kong kahit ako ang pinili ng VP, importante pa rin ang rekomendasyon ng paalis na direktor. At dahil alam ng lahat na hindi ko nakasundo ang direktor na iyon ay hindi niya ako nirekomenda sa posisyon. Sabi ng kasama ko sa departamento, leksyon daw sa akin yun. Dapat daw ay matuto akong makibagay sa mga tao sa school kahit hindi ko gusto ang ginagawa o sinasabi nila. ITO ANG DINAMDAM KO TALAGA AT INIISIP KO PA RIN HANGGANG NGAYON.
HIndi alam ng mga kasamahan ko sa departamento kung anong hindi magagandang salita ang sinabi ng direktor na paalis sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Sa tingin nila ay ako pa ang dapat magbago? They have no idea what I've been through. Hindi nila alam kung paano sinira ng opisinang iyon ang pangalan ko sa harap ng mga estudyante ko. Natuto na lang akong magsalita sa bandang huli. HIndi ko kayang magsawalang-imik. Hindi ko kayang magpakapipi at magpakita ng maganda sa taong hindi nagpapakita ng tunay na kulay sa akin.
Ang masasabi ko lang, mahigit walong taon kong kasama ang mga guro sa departamento at kolehiyo namin pero wala akong nakaaway o nakabangga. Nakapagtataka na ang nakabangga ko ay ang mga tao na hindi ko naman nakakasama. Isa lang ang ibig sabihin nun. Hindi nila ako kilala at wala akong intensyon na kilalanin sila.
Ganito ako. HIndi nila kailanman maibabalik ang tiwala at respeto ko sa kanila.
Kaya kahit sa imahinasyon, hindi ko kayang isipin na ako ang lulugar sa opisina na iniwan niya. Hindi. Hindi talaga. Tulad ng sinabi ko kanina sa mga kasama ko, hindi ako naghangad ng posisyon sa opisinang iyon. Wala akong pinanghihinayangan -- kahit pa sabihin nilang ako ang dapat na naroon. Nakakatawang isipin na ganoon ang nasa isip nila.
Sana hindi magsisi si ____ sa desisyon niyang iwanan ang school niya at magsilbi dito. Sana.
Ang pinakaimportante sa lahat, hindi ko pa rin nalilimutan na naglaho (I deleted it) ang una kong web log nang dahil sa tao na nag-opisina doon. Kaya paano ako sasaya sa tuwing makikita ko ang mesa at upuan na ginamit nila? Hindi ako mapagpanggap na tao. Ang kaya ko lang sabihin ay ang totoo.
Salamat kay ____. At good luck sa kanya!

Comments