Ilang araw na lang, start na ng Study Tour sa Singapore. I was supposed to attend the tour kaso nagkaproblema ako sa documents para sa passport. Sayang pero buti na lang dahil sa invitation for a tour in Singapore, nalaman ko na may problema pala documents ko --- or may problema pala ang sistema sa DFA Clark. Imposible at matagal na proseso ang pinagagawa nila sa akin para maaprubahan ang passport application ko.
Sa tingin ko, insulto sa akin na ipabago ang entries sa birth certificate ko ngayong trenta anyos na ako. Hindi typographical error ang problema ko. At alam ng DFA na wala akong kontrol sa kung anuman ang mali sa documents ko. Ang tingin ko lang, ang trabaho ng DFA ay i-examine ang mga dokumento na pinakikita ng aplikante para patunayan na sarili niya ang iniaaplay niya ng passport at hindi siya gumagamit ng pangalan ng may pangalan. May iba pang paraan para sagutin ko ang tanong nila tungkol sa nakita nilang inconsistency ng pangalan or apelyido ng nanay ko sa birth certificate at sa marriage certificate ko. Bakit hindi nila maintindihan na nag-asawa uli ang nanay ko at nang ikasal ako, ang apelyido niya sa stepfather ko ang legal name niya? Bakit kailangan ko pang papalitan ang entry sa birth certificate para mag-tally ang dalawa? Napaka-istupidong suhestiyon yata na baguhin ko ang birth certificate. Hindi simple lang yun. Maaapektuhan lahat ng mga nangyari sa pangalan ko sa buong 30 years na nag-exist ako dito sa Pilipinas na may gobyernong walang kwenta.
Dahil sa kung anu-anong pinagagawa ng DFA sa akin, nagbasa na rin ako ng napakaraming articles at related cases. Hindi kasama sa RA 9048 ang correction na pinagagawa nila sa akin. Pero protektado ako ng RA 9255. Magulo talaga. What's the point of making myself appear as illegitimate (RA 9048) kung may batas naman na pwede akong maging legitimate (RA 9255)? Paikot-ikot lang ang argumento dito. Nakakasawang i-discuss.
Isa lang masasabi ko. Ito marahil ang dahilan kung bakit noong una pa lang ay hindi ko ma-imagine ang sarili ko na pupunta sa Singapore for the tour. Hindi pala para sa akin ang opportunity na iyon.
Okey lang. Sigurado naman ako na maaayos din ito at mayroon pang mas magandang opportunity na darating.
Comments